Dalawang dating aktres ang sumali at naging Whomahanap sa KapareWHO nitong June 7 (Biyernes). Ito ay sina Via Veloso at Katrina Paula.
Ginamit ni Via Veloso ang alyas na Mama Cool Pa na taga Quezon City. Dating sexy star si Via na matagal ding nawala sa limelight. Ngayon ay nagbabalik-teleserye siya sa Sino Ang May Sala? Mea Culpa bilang si Alice Catapang. Single mom si Via sa kanyang anak na si Jacob. Ayon kay Via, nakaya niya ang pagiging single mom sa tulong ng kanyang mga kaibigan, pamilya at ng kanyang pinsan na si Karla Estrada. Gusto ni Via ang isang lalaking cool, makulit at laging may oras para sa kanya.
Si Katrina Paula naman ay ginamit ang alyas na Daring My Bell na taga Quezon City din. Nakilala sa mga sexy movies si Paula noong 2000s. Single mom sa apat na anak si Katrina, at ang dalawa sa kanila ay napagtapos na niya. Licensed pilot na ang panganay, at reporter ang sumunod niyang anak. Ang mga anak ni Katrina ang siyang kumumbinsi sa kanya na sumali sa KapareWHO.