Kung mukha mo ay ‘di maipinta, i-erase muna ang lungkot. Kulayan ng ngiti ang mga labi. Masakit man ang ‘hugot’ ni Katrina Velarde sa kantang “Lason Mong Halik,” forda fun ang bonding ‘pag ‘Showtime’ family ang nakibirit.
Christmas party na tayo very, very soon! Mag-praktis na ng karaoke session! Bela Padilla, kumasa sa hamon–kantahin ang “Lason Na Halik” in her own version. Hindi rin nagpakabog si Tetay and her versatile singing style na pwedeng maging tunog Kris Aquino, pwede rin na Zsa Zsa Padilla ang tono. Si Jackie Gonzaga, bet naman ‘yung pag-awit na nakakakalma.
Sino nga ba ang tatanghaling ‘Karaoke Queen’ sa kanila?
Sa “Showing Bulilit,” very cutesy ang atake nina Argus, Imogen, Jaze, at Kelsey, with Kulot na nagse-celebrate ng kan’yang birthday. May drama at pang-Hollywood na eksena, at may nag-ala JoshLia.
Walang gustong magpatalo sa mga players for today’s video: Jackie Gonzaga at Jhong Hilario, Teddy Corpuz at Cianne Dominguez, Vhong Navarro, at Tetay, Ogie Alcasid at Bela, Darren Espanto at Jugs Jugueta.
Si Bela, ipinamalas ang knowledge about films. Title lang ang hinihingi, pero may kasama pang trivia ang sagot n’ya! Ikaw na talaga, Bela!
Fez ng idol ay i-achieve, para palakpakan ay ma-receive! Tatlong contestants ang nagpabilib. Sino ang kaloka at kalokalike? Tatawa ka nang malala for sure sa “Kalokalike Face 4.”
Welcome back to “It’s Showtime,” Hashtag Ronnie Alonte! Hindi man n’ya kasama si ‘beh,’ nag-enjoy naman si R2 sa pagpapasaya sa Madlang People.
Iba-iba ang reaksyon sa ‘kalokalike’ ni American singer-songwriter, Usher. Pero isa lang ang sigurado–lahat ay naaliw sa effortless humor niya at talento.
Sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, naloka dahil sa kamukha ng tropa nilang si Arwind Santos. Isang basketball star na naman ang naka-three points sa puso ng mga hurado!
Sa sobrang ‘laro’ ng mga contestants, napatanong tuloy si Vhong kung meron bang mananalo. Madlang People, ano’ng husga n’yo?
Sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” dalawang estudyante ang umawit para sa pangarap.
Sumabak sa entablado si Lyza Kate Santos ng Victory Global Technological College na kumanta ng “Mas Mabuti Pa.” May kaunting puna si Darren Espanto sa performance ni Lyza Kate pero hindi maitatanggi ang husay nito sa pag-awit. Dagdag ni hurado Ogie Alcasid, strength ni Lyza ang laki ng boses n’ya.
Hindi pwedeng hindi mo marinig ang pagbirit ni Banban National High School student Riolyn Tuhay ng “Naririnig Mo Ba.” Siya ang nakakuha ng mas mataas na grado at sasabak sa ‘prelims’ sa Sabado.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.