Minsan nang nag-viral online si Tawag Ng Tanghalan contender Ralph nang videohan siya ng kanyang ka-banda habang kumakanta ng “Unchained Melody.” Umabot sa 7.3 million ang views ng naturang video, at nang marinig ang tungkol dito, na-curious sina Vhong Navarro at Anne Curtis kaya nag-request sila ng sample mula sa contender.
Pinaunlakan ni Ralph ang hiling ng dalawang hosts, at walang kahirap-hirap na tinumbok ang notes ng kanta. Tumahimik ang buong studio habang nakikinig kay Ralph, at talaga namang kinabiliban ng madlang people ang kanyang talento.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv