15 eyyy-mazing years! Akalain n’yo ‘yun, madlang people?! Well, siguro nga na-manifest natin ang moment na ‘to dahil always namang good vibes ang bida sa ating salo-salo. ‘Di ba, tulad ng laging paalala ng ‘Showtime’ pamilya, always ngumiti para ma-attract ang blessings at positivity.
Masaya ang magkantahan tapos happy memories ay ating balikan. Aww. Join si Bela Padilla sa jamming session today. Ano ba’ng nasa playlist ng ‘Showtime’ family? Ahh! Mga kantang positive ang mensahe tungkol sa future, para masaganang hinaharap ay ma-manifest natin for sure.
Iba-iba ang kwento natin sa buhay. May ibang paborito ni Nanay, meron din namang hindi masyadong napapansin sa bahay. Pero ‘pag kamatayan na ang dumating, iisa lang ang kahahantungan natin. Death is inevitable. Kaya’t habang may oras pa, ipadama ang kabutihan at pagmamahal sa iba.
Titindig ang balahibo mo sa Magpasikat performance ng Team VIDA–Vhong Navarro, Ion Perez, Darren Espanto, at Amy Perez–na pinili ang ‘kamatayan’ bilang tema. Dark. Haunting. Powerful. Don’t miss out on this unique and chilling performance na magpapaalala sa’yo na ang buhay ay hiram lamang.
Pinatunayan ng nag-ala Grim Reaper na si Vhong ang kan’yang pagiging ‘Mr. Showtime’ sa malakas n’yang dating at ‘di matatawaran na galing. ‘D Total Performer talaga si Darren, na sumubok ng bago para sa prod na ‘to. Hahaplos naman sa’yong puso ang portrayal ni Tyang Amy.
At, revelation si Kuys Ion, na kinakitaan ng future sa acting! In hurado Direk Rory Quintos’ words, “May karga ang mga mata.” Parang pelikula naman kung ilarawan ni hurado Donny Pangilinan ang buong performance.
Pinuri naman ni hurado Gabbi Garcia ang matapang na konsepto ng grupo. Para naman kay hurado Freddie “FMG” Garcia, may kanya-kanyang shining moments sina Vhong, Ion, Darren, at Amy. Hurado Alice Dixson said it best: “Ang galing n’yo Magpasikat!”
Kayo, Madlang People, ano’ng score n’yo para sa Team VIDA?
Parang bagyo kung humagupit ang mga talento sa “Tawag Ng Taghalan The School Showdown.”
“Impossible,” kanta sa entablado ni Western Mindanao State University student Adie Hamja. Pero sa boses na kan’yang taglay, hindi imposible na masungkit n’ya ang golden mikropono.
Workout ang una sa morning routine ni James Baum ng University of San Carlos. Pero dito sa tanghalan, tinig ang kan’yang ife-flex sa pagkanta ng “Dancing On My Own.” Si James na Filipino-German, mukhang campus crush daw sabi ni Anne Curtis. Eh, sa studio pa nga lang ay may nagkaka-crush na sa kan’ya! Kilig ‘yarn, Lassy?
Matapos ang salpukan sa entablado, si Adie ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Erik Santos, Kyla, at Ogie Alcasid.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.