Saludo ang ‘Showtime’ family sa hard work n’yo this week! Kami na ang papawi sa pagod n’yo! Stress ay papalitan namin ng happiness. Sabado ay budburan ng party vibes na hatid nina Kapuso stars Kyline Alcantara, Paul Salas, Michael Sager, at Kate Valdez.
Dance floor ay naglagablab dahil sa pagHOTaw ni Kyline! Pero mas maganda siguro kung si Darren Espanto ay makikisayaw din. In 3, 2, 1! Kyline at Darren, joined forces sa hatawan!
Join din sa party sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive Bay, May Ann Basa, and Zephanie na may dalang good news sa Madlang People.
Busog sa good vibes ang FUNanghalian with our “Kalokalike Face 4” contestants!
Funny is the new ‘pogi’, sabi nila, kaya naman si Empoy Marquez kalokalike, very confident ang awra! Mula ulo hanggang paa, Empoy ang hulma. Pati tikwas ng bigote, kopyang-kopya. Teka, si Empoy, may request–isang acting showdown with hurado Gladys Reyes, ‘yung may kasamang sampal na babakat sa kan’yang fez!
Lumabas ang kawangis ni Teddy Corpuz! Rock ‘n roll na this! Parang concert ang feels dahil ang tunay na Teddy, ni-level up ang rakrakan sa isang duet na pangmalakasan. Wala pa mang hatol, feeling winner na si contestant number 2 dahil nakasama n’ya sa stage ang kan’yang idol.
Hindi ito himala! Si Nora Aunor, nakipagkulitan sa madla, este, ‘yung kamukha lang pala. Isa lang ang paraan para i-test ang kan’yang pagka-Nora. Daanin natin sa aktingan. Pero, ang madramang eksena ay nauwi sa katatawanan.
Hindi kalokalike ni David Licauco ‘yung pogi na chinito sa studio. Siya ‘yan– totoong-totoo! Isa si David sa mga hurado for today’s video.
Matira ang matibay! Dahil sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” ang pinakamahusay at pursigido, aani ng tagumpay.
Nagbabalik sa entablado si Christian Labrador ng Asian Development Foundation College na umawit ng “Tukso.” Performance n’ya ay na-enjoy ng mga hurado. Sabi Nyoy Volante, pagkanta ni Christian ay kontrolado.
Hinarana ni Philippine Advent College bet Jay Mart Otom ang Madlang People sa pag-awit ng “I’ll Never Fall In Love Again, na ‘feel na feel’ ni hurado Zsa Zsa Padilla.
Para naman kay hurado Martin Nievera, mas nag-grow bilang performer si Cedric Tonga ng St. Vincent College of Cabuyao na kumanta ng “Lupa.”
Laban na laban si Thor Valiente ng La Salle Green Hills na kumanta ng “Creep.” Si hurado Zsa Zsa, halos maging emosyonal dahil ramdam na ramdam ang puso ni Thor sa pagkanta.
Madlang people ay kinilig sa malambing na tinig ni Edzel John Gorospe na binigyang-buhay ang “214.” Total performer kung ilarawan ni hurado Nyoy ang pambato ng St. Benilde Center for Global Competence Inc.
Sa huli, si Thor ang nakakuha ng highest honors. Pasok na siya sa susunod na ‘Midterms’ examination.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.