Ilang araw na lang ang nalalabi sa buwan ng Agosto, kaya itodo na ang good vibes at bonding! Weekend feels pa rin on a Monday! Ngayong Araw Ng Mga Bayani, isang pagpupugay mula sa ‘Showtime’ family sa mga bayaning bahagi ng ating kasaysayan, at mga makabagong bayani na lumalaban para sa bayan. Mabuhay!
Mabuhay din ang musikang Pinoy. Buhay na buhay ang OPM sa collab ng mga bagong tagapagsulong nito — The Juans at Alamat! Sagot na nila ang holiday jamming! Sagot rin nila ang hugot!
More hugot at drama ang ganap sa “EXpecially For You” tungkol sa pag-ibig nina Vhal at Cary na langit at lupa ang pagitan kaya nauwi sa hiwalayan.
Matamis na pagtitinginan ay inilihim sa magulang ni Cary dahil wala pa siya sa legal age. Manliligaw at escort lang ang pakilala no’ng debut party ni Cary pero mag-jowa na pala. Hanggang sa secret relationship ay nabuko dahil sa isang video call.
Pamilya ni Cary ay tumutol dahil si Vhal ay hindi pumasa sa standards nila. Si Vhal daw ay walang future. Dahil sa pressure, dagdag pa ang hirap ng pandemya, si Cary ay naipit sa sitwasyon, nirespeto ang gusto ng magulang at tuluyang pinakawalan ang karelasyon.
Pinilit at sinubukan ni Vhal ang isa pang pagkakataon, pero wala na talagang magagawa. Ginamit na lang niya ang karanasang ‘yon bilang motivation para umangat sa buhay. Si Cary naman ay ipinagpatuloy ang pag-aaral.
Ang tadhana talaga, always bittersweet. Pero matapos sa sakit at pait ay makalaya, si Vhal ay ready na ulit magkaroon ng bagong kakilala.
Mabuhay ang talento ng kabataang Pinoy! The future of OPM is bright. ‘Yan ang pinatunayan ng mga estudyanteng mang-aawit na nag-take ng Prelim examination sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
University of Cebu-Banilad, ipinaglaban ni Julious Almadrones sa entablado. “Forever” ang napili n’yang sandata. Aiming for high honors din ang pambato ng Talisay City National High School, si Hope Sebial na kumanta ng “Purple Rain.”
Tanghalan ay nagningning dahil sa talento ni Bernadette Pachecho sa singing. Pagkanta niya ng “Sabihin” ay nagpaluha sa kanya dahil sa isang karanasan. Present si Daphne Bonotano ng University of St. La Salle na pinahanga ang lahat sa pagkanta ng “Sabihin.”
Last but not the least, ang pambato ng Claret School of Lamitan, si Arvery Lagoring na binigyan ng bersyon ang teleserye theme song na “Ikaw Ang Aking Mahal.”
Sa huli, si Arvery ang Top 1 sa tanghalan matapos makakuha ng pinakamataas na grado mula kina hurado Dingdong Avanzado, Ogie Alcasid, at Darren Espanto.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.