Sabado na ulit, ilabas na ang ngiti at kulit! Simulan ang weekend with hugot na sa puso mo’y kukurot dito sa "EXpecially for You."
Nine years and an engagement ring. Bakit hiwalayan pa rin ang ending? Ang kwento ng pag-ibig ni Jelly, nagsimula nang hindi inaasahan. Mga pagsubok tulad ng problemang pinansyal ay magkasamang hinarap, hanggang sa may proposal na naganap.
Pero si 'ex,' lumipad pa-Canada. At tulad ng klima ng Canada, naging malamig din ang pakikitungo ni ex sa kanya. Si Jelly, sinubukang ayusin ang relasyon pero naging malabo na ang lahat.
Halos isang linggo lamang matapos ang paghihiwalay, si ex-bf, nag-soft launch ng new relationship. Pinagtagpi-tagpi ang kwento, mukhang alam na ni Jelly and puno't-dulo kung bakit pag-ibig ay biglang naglaho.
Moving forward, kasama ang pinsan na si Ian, handa na siyang magkaroon ng mga bagong kakilala. Sino kaya sa tatlong searchees ang mapupusuan niya?
Mga pambato ng iba’t-ibang pamantasan, ginalingan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Itotodo ang pag-awit para high honors ay makamit sa ikatlong midterms.
Ibinandera ni Mary Khem Cabagte ang Cebu Normal University sa kanyang bersyon ng "All By Myself."
Ang princess-like voice ni Althea Pinzon ng University of Perpetual Help System-DALTA, muling narinig sa tanghalan. "Somewhere In My Past" ang piyesa na kanyang panlaban.
Ang tinig na may high honors, muling ipinamalas ni Trisha Eca para pumasa with flying colors! Siguradong proud ang Yllana Bayview College-Pagadian sa kanyang mapusong rendisyon ng "Sa Isang Pangarap."
Ang classic na “I'll Never Fall In Love Again" naging mas exciting dahil sa unique style of singing ni Christian Pasana ng PHINMA-University of Pangasinan.
Matapos ang midterm examinations, nag-tie sina Mary Khem at Christian. Pasok na sila sa Grand Finals.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.