Miss mo na ba siya? Huwag nang i-deny, kilala kita! Upang ika’y pangitiin, ang isang na-miss natin, bumisita sa “It’s Showtime” para mag-sample ng kaniyang awitin.
“Kilala kita,” sambit ni Elijah Canlas sa kaniyang self-love anthem na maangas. Gwapo na, talented pa! Kaya pati si Ogie Alcasid, hindi napigilang mag-comment: “Nakaka-in love.”
Narinig na ang “Kilala Kita” bilang bahagi ng soundtrack ng “Senior High” kung saan naging karakter ni Elijah ang Northford High School ‘bad boy’ na si Archie Aguerro. Kwento n’ya, nagka-reunion sila ni ‘Showtime’ kid at on-screen son n’yang si Argus Aspiras backstage. Aww. Ang cute!
Very cutesy ang ngiti ‘pag good vibes ang kumikiliti! Makinood at makisaya with the ‘Showtime’ pamilya!
Ang kahapon ay hindi lilipas lalo na dito sa larong nagpapaulan ng cash! Madlang ‘hakot’ mula sa Barangay 8, Caloocan City ang naglaro sa “Throwbox.” May estudyante na forda go sa experience na makita ang ‘Showtime’ studio. Meron ding solo parent at OFW. May kasama din tayong rescue team member, mga raketera’t raketero, at certified Showtimers.
Suwerte naman ang hatid ng ‘Showtime’ family na nagpagalingan sa mga bitbit nilang trivia. At ano’ng throwback dance naman ang ituturo ni ‘Tito’ Vhong Navarro?
Ang engineering student na si Claire ang nakakuha ng lucky box na nagdala sa kanya sa jackpot round kung saan hinarap n’ya ang matitinding throwback questions mula sa iba’t-ibang kategorya tulad ng games at music.
“Doble o Kalahati” ang pinili n’ya sa final round kung saan kailangan n’yang bumunot ng isang tanong mula sa “Super Box.” Masagot kaya ni Claire ang ultimate question na may kinalaman sa kahulugan ng PAGASA? O wala nang pag-asa na madoble ang pera niya?
Kuminang ang OPM sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Laban ay sinimulan ni Divine Camposano ng Bulihan Integrated National High School sa pag-awit ng “Alipin Ako.”
Madlang People ay dinuyan ni NJ Asunto sa kan’yang mapusong pagkanta ng “Kastilyong Buhangin.” Si hurado Nonoy Zuniga, natuwa sa performance ni NJ at nagpasalamat sa pagbibigay-buhay nito sa isa sa mga classics ng OPM.
Sulit ang paghahanda at mahabang biyahe ng mga supporters ni NJ mula sa Ilocos Norte. Naging emosyonal ang kan’yang mga kaanak nang hirangin siya bilang Top 1. Pero hindi pa rito nagtatapos ang kan’yang laban. Aabante pa siya sa susunod na ‘preliminary’ round.
Umalab ang pagpapahalaga sa wika at kulturang Pinoy, kaya si Vice Ganda, hinamon si hurado Darren Espanto na magkomento gamit lamang ang wikang Filipino. Napasayaw din ang ‘Showtime’ family nang marinig ang slow folk music sa background, pero paano kung ang lumang sayaw ay sabayan ng pang-Gen Z na galaw? Sa ‘kaldag’ ni Darren, si MC ay napahiyaw!
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.