What’s up, madlang people?!
Seventy days to go na lang, Pasko na! At sampung tulog na lang, “Magpasikat 2024” na! Habang mas papalapit ang countdown, mas tumitindi ang excitement.
Pero, ito ang hindi na kailangan pa ng countdown, dahil narito na sila agad-agad! Wala pang “Magpasikat Kinseyyy” pero nauna na silang magpakitang-gilas todeyyy! WRIVE has arrived once more sa “It’s Showtime!” Feel the kilig vibes na hatid ng WRIVE, at maki-chika tungkol sa intense preparation nila for a big event.
Aktingan all the way ang hatid nina ‘Showtime’ kids Argus, Kulot, Jaze at Kelsey! Puso mo’y kukurutin ng dramatic nilang akting, pero ikaw din ay pangingitiin ‘pag romance at komedya ang inihain.
Sa hulaan ay ‘di magpapahuli, pero sa asaran ay mas havey ang magkakapares this Friday: Ogie Alcasid at Lassy, Jhong Hilario at Ion Perez, Ryan Bang at Cianne Dominguez, Vhong Navarro at Jugs Jugueta, Darren Espanto at Jackie Gonzaga, at sina Kim Chiu at Teddy Corpuz.
The competition is real nang makapuntos ang lahat ng teams, maliban kina Ryan at Cianne. Pa’no ba naman, si Ryan, nakikinig sa kalaban! Muntik nang tumama nang ilang beses, pero dumadaplis . Si Cianne, nag-react tuloy sa sobrang inis!
Good vibes pa rin ang ending dahil 50, 000 pesos ang pinaghati-hatian ng Madlang People natin! Watch the video para malaman kung kaninong tandem ang panalo sa dulo.
Tara na’t kumilatis ng mga contestants na may kawangis sa “Kalokalike Face 4.”
Very sosyal ang vibe, Karylle na Karylle ang arrive ni contestant number 1. Karylle ‘kalokalike’ meets the OG Binibining Kurba! Talagang kikilabutan ka sa duet na pinagsaluhan nila! “Ang arte arte din niya,” reaksyon ni Karylle sa kamukha niya.
Irresistible ang tindig–studio ay napuno ng kilig! Si Daniel Padilla ay nagbabalik sa “It’s Showtime” stage. Magustuhan kaya siya ng mga hurado? O, baka hindi sila kumbinsido?
Ano kaya ang magiging hatol ni hurado Denise Laurel kay contestant number 3 na siya pala ang peg? Zoom in nga natin para sukatin ang pagka-Denise ni ateng!
Mga pambato ng Colegio De Kapatagan at Zamboanga Del Norte National High School ang nagsalpukan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Unang sumabak sa entablado si Shaina Landeza ng Colegio De Kapatagan na umawit ng “Pangarap Ka.” Golden mikropono ay sinikap din sungkitin ni Danna Pacina ng Zamboanga Del Norte National High School na in-entertain ang Madlang People sa pagkanta ng “Tatsulok.”
Matapos ang maikling test sa kantahan, si Shaina ang hinirang na Top 1 nina hurado Ogie Alcasid, Darren Espanto, at Louie Ocampo.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.