Sa It’s Showtime nitong Lunes (June 17), sinamantala ni Ryan ang pagkakataon na makapagpasalamat sa lahat ng bumati sa kanya sa kanyang kaarawan. June 16 ang kanyang birthday na pumatak ng Linggo ngayong taon. Nagpahabol naman ang kanilang pagbati ang It’s Showtime family at madlang people sa Korean Heartthrob.
Kinuwento ni Vice Ganda na nag-text daw nang mahaba sa kanya si Ryan bilang pasasalamat sa lahat ng naitulong niya sa anak-anakan. Pahayag ni Vice, “Hindi ko na na-replyan. Ang haba kasi!” Sinabi ng Unkabogable Star na naisip niyang mag-reply ng “K” kaya lang ay baka mainis si Ryan na sa haba ng sinabi niya ay ito lang ang sagot na matatanggap niya. Ibinahagii naman ni Ryan na sobra-sobra na ang regalo sa kanya ni Vice at kahit mahaba ang text niya para rito ay wala na siyang hinahangad na iba pa mula rito
Birthday wish ni Ryan ang “Sana marami makapanood ng YouTube [channel] ko.”