Monday n’yo ay budburan ng sweetness para puso’y puno ng happiness. Mas feel mo ang tamis ng buhay at pag-ibig ‘pag malamig na boses nina Kyla at MC Einstein ang sound trip. It’s the collab for the vibe! Paano nga ba nabuo ang duet na ito?
Ang ‘Showtime’ family, nag-fan mode kina Kyla at MC. Si Vice Ganda, napa-request pa ng kanta, ‘yung written especially for you, ‘ika nga. Si Kim Chiu naman, mukhang nalito–bestie, ibang MC ‘to! Pero try na rin natin kung makakasabay si Lassy sa audition na impromptu.
Love is in the air dahil monthsary ng ViceIon! Madlang people, sa anumang gusot, always love ang solusyon!
Kung aktingan lang naman ang pag-uusapan, ganap na ganap ang mga “Showing Bulilit” kids d’yan. Titigan pa lang nina Argus at Kelsey ala MayWard, mapapangiti ka na. May kasal-kasalan eksena naman sina Kulot at Jaze mula sa pelikulang “The Vow.” Lakas maka-Hollywood din ng performance ni Imogen.
To the fullest level naman ang energy ng mga magkakakampi: Vice Ganda at Lassy, Teddy Corpuz at Ion Perez, Jugs Jugeta at Kim Chiu, Jhong Hilario at Jackie Gonzaga, Ogie Alcasid at Darren Espanto. Join din si Nicki Morena with Cianne Dominguez.
Intro pa lang, umariba na ang mga paandar. Ogie-Darren ang unang pumuntos, pero iba ang tumapos. Sina Kim at Jugs ang sinuwerte for today’s video – jackpot round ay sisikapin nilang ipanalo para madlang people ay may papremyo.
Tiyan mo’y sasakit sa kakatawa, mata mo’y mamamahangha dahil ang mga sikat, meron palang kamukha. Good vibes ay kakalat from roof to floor sa “Kalokalike Face 4.”
Oh, shux, ito ba’y pag-ibig na?! BINI Gwen, nanlalaban ang ganda! Ay, ka-look-alike lang pala. Pinaghandaan ang outfit-an, pati ang talent na pangmalakasan. Pero, bakit dalawang BINI Gwen ‘kalokalike’ ang ating natagpuan?
Mano po, Ninong Ry! Medyo bumata lang nang kaunti pero, aminin, Ninong Ry ang ang dating! Si contestant number two, may pa-cooking demo. Tanong ni Vice, ano’ng masarap ipakain sa mga bashers? Eh, di ‘yung putahe na may ampalaya, perfect sa mga bitter.
Ohh, la, la! Si contestant 3, taglay ang ganda ni Ellen Adarna. Napatanong tuloy si Ogie Alcasid: “May manager ka na ba?” Unique din ang kan’yang talent. ‘Pag classmate mo siya, siguradong ‘di ka aabsent.
Maloloka ka rin sa mga komento nina Jugs at Teddy, kasama si Denise Laurel, at ang ‘regular’ hurado, Rufa Mae Quinto.
‘Pag entablado ang naghamon, mga estudyanteng palaban sa singing ay hindi uurong.
Sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” bigay-todo ang performance ni Myra San Juan ng Cavite State University – General Trias. “Inseparable,” birit niya para ma-impress ang mga hurado. Hindi man masyadong agree sa song choice ni Myra, positive pa rin ang komento ni hurado Dingdong Avanzado.
Hindi rin nagpakabog si Louise del Mundo ng Angels in Heaven School na hinarana ang Madlang People sa awiting “Against All Odds.” Bagama’t mahusay, advice lang ni hurado Jed Madela sa kanya, maging maingat sa pagbirit.
Sa huli, si Myra ang hinirang na Top 1. Siya ang aabante sa susunod na ‘prelims’ round.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.