Nitong June 1 (Sabado), tinilian ng madlang people si Bidaman contestant number 2 Polo Laurel na ipinamalas ang kanyang acting talent nang gayahin ang karakter ni Robin Padilla sa pelikulang “Maging Sino Ka Man.”
Habang Ipinakita ni Polo ang kanyang talento sa pagsayaw ay pinahinto siya nina Anne Curtis, Jhong Hilario at Vhong Navarro. Ito ay dahil nakalimutan ng contestant na magpakilala, at agad dumiretso sa pagpapasikat. Sa pangalawang pagkakataon ay muling nakalimutan ng contestant na banggitin ang kanyang pangalan kaya nag-round 3 pa siya ng pagpapakilala. Sa ikatlong subok ay nagawa na nang tama ng contestant ang introduction.
Nang tanungin ni Anne kung bakit nakalimutan ni Polo ang pagbanggit ng kanyang pangalan, sumagot ang contestant ng “Kinabahan ako kasi nandyan ka [Anne] eh!” Inamin ni Polo kay Anne na ultimate crush niya ito.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv