Rest mode na ba ang lahat? Kung hindi pa dahil extended ang deadlines at workload, take a break muna at manood ng “It’s Showtime.” Ang mga ngiti at tawa na hatid ng ‘Showtime’ family ang magsisilbing pahinga mo today.
Uy, ngingiti na ‘yan! Lalo na ‘pag tinitigan ka ng charming na mga mata ni Darren Espanto. Ang bestie ng bayan, nagbabalik matapos ang pinagdaanan sa kanyang kalusugan.
Bread and butter ni Pokwang ang pagpapatawa. Pero pagdating sa pag-ibig, seryoso siya. Second chance at romance, kanyang sinugalan. Ngunit ang inakala niyang true love ay hindi pala pangmatagalan. Idinetalye niya ang masasakit at masasayang bahagi ng kanyang nagdaang relasyon. Sa “EXpecially For You,” tutukan ang mga rebelasyon.
Kasama ang anak na si Mae, naging emosyonal si Pokwang nang umupo sa ating ‘expecial’ chair. Binalikan niya kung paano nakilala ang ex-partner, na ama ng kanyang beloved second daughter, Malia. Sa movie set nagkakilala. Pero sa totoong buhay, pag-ibig nila’y may ‘cut’ din pala!
Pakiramdam ni Pokwang, siya lang ang laging nagbibigay at nag-e-effort. Mga away nila ay mas lumala pa nang dahil sa negosyong sinimulan noong pandemya. At may ‘sightings’ pa na labis na nakasakit sa kalooban niya!
Samantala, naluha rin si Pokwang nang maisip kung gaano kalaki ang naging sakripisyo ni Mae para sa kanyang kaligayahan. Kaya naman labis ang kurot sa kanyang puso nang pati si Mae ay masaktan at ‘ma-disrespect’ sa mga pangyayari.
Pero kung may masayang ala-ala na iniwan si ex, ‘yun ay walang iba kundi ang pagkakaroon nila ni Malia. Samantala, kinilig ang madlang people nang bumukas ang mga kurtina at ma-reveal ang pagkatao ng tatlong searchees dahil bakas sa kanilang mga sagot ang sincerity.
Limang estudyante ang umarangkada sa ‘prelim’ examination para masungkit ang golden mikropono sa kumpetisyon. Tunghayan ang ika-17 ‘Prelims’ ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Muling nagbabalik sa entablado ang pambato ng Marinduque State University, si Francine Nicole Doroin na nakakuha ng standing ovation mula kay Punong Hurado Ogie Alcasid sa kanyang pag-awit ng “’Di Na Natuto.” Para kay hurado Klarisse De Guzman, mahusay ang phasing ni Francine.
Ipinakilala naman ni Janelle Napalcruz ng Western Mindanao State University ang tunay niyang galing sa singing. Pagkanta niya ng “Who You Are” ni Jessie J, havey na havey!
Hinarana naman ni Baliuag University Student Sofia Santos ang madla sa pag-awit ng “Kumpas.” Tulad ni Sofia, great storytelling din ang panlaban ni Jejuara Tiplan ng Pamantasan ng Cabuyao–‘yan ang komento ni hurado Bituin Escalante.
Siya man ang ika-limang nag-perform, hindi nagpatalo si Bigaa Integrated National High School student Wendy Figura sa pressure, sabi ni Punong Hurado Ogie. Dagdag pa Ogie, hindi madali ang piyesa ni Wendy–“Istorya–pero naitawid niya ito nang mahusay.
Lahat magagaling, pero iisa lang ang umangat sa singing–si Janelle ng Western Mindanao State University.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.