Kulayan ng good vibes ang Sabado kasama ang “It’s Showtime” family! Sinimulan na ni birthday girl Kim Chiu ang weekend party-party with her HOTaw performance. Ang Chinita Princess, sinorpresa nina Bela Padilla, Kaladkaren, at kapatid n’yang si Lakam. Ma-touch sa display of genuine friendship ng Team Showtime at sa mga mensahe na natanggap ni Kimmy!
Sa “EXpecially For You,” dalawang pusong nasaktan ang tutulungan natin na maghilom mula sa sugat ng nakaraan. ‘Office romance’ ang kwento ng pag-iibigan ng mga real-estate agents na sina Christian at Pauline. From LDR for six months, naging workmates silang dalawa. Pero, bakit kung kailan mas madalas magkasama, mas lalong lumawak ang distansya sa pagitan nila?
Kasunod ng limang araw na bakbakan ng mga ‘golden’ tinig mula sa iba’t-ibang pamantasan, oras na para sa unang ‘prelims’ o semifinals ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Matapos ang matinding labanan sa kantahan, nanaig ang tinig ni Hannah Grace Espador ng University of St. La Salle. Siya ay nakakuha ng marka na 93% para sa tagos-puso n’yang pag-awit ng “Anak.”
Samantala, lumaban hanggang dulo si Nicole Centero ng University of Negros Occidental-Recoletos na kumanta ng “Isang Linggong Pag-ibig.” Siya ay nakakuha ng grado na 92%.
Para sa kanyang ‘prelims’ performance, 91.3% ang grado ni Jericho Jabagat na hinaplos ang puso ng madlang people sa pag-awit n’ya ng “Invisible.”
Sa ranking this week, si Jelou Carrera ng Union Christian College ang Top 4. Performance n’ya ng “I Will Survive” ay pinusuan ng mga hurado at nakakuha ng 90.7% na grado.
Hindi rin naman nagpakabog si John Lennon Laspinas ng “St. Michael’s College.” Pag-awit n’ya ng “Buwan,” minarkahan ng 89% nina ‘hurado’ Ogie Alcasid, Mark Bautista, at Kean Cipriano.
Si Hannah Grace ng USLS ang pasok sa ‘midterms.’