This fun Tuesday, isang hari ang bumisita at nagpalaganap ng good vibes! Madlang People ay napasayaw at napakanta sa concert-like performance ni Martin Nievera, na ipinagdiriwang ang kanyang 42nd anniversary sa showbiz, at may regalong concert na hindi mo dapat ma-miss.
Ang kulit ng kwentuhan ‘pag si Martin ang bida sa umpukan. Hindi lang hits niya ang classic, pati na rin ang kanyang mga ‘hirits.’ Ang energy niya, parang nagsisimula pa lang, lalo pa ‘pag sinamahan ng jokes ng isa sa pinakamatagal na niyang kaibigan, si Ogie Alcasid na always naka-support sa Concert King.
Talagang maghahari ang tawanan ‘pag ‘Showtime’ family ang kasama sa FUNanghalian!
Ang punishment, walang pinipili. Kahit pa guest co-host ka o haligi ng OPM, basta ‘pag bata mo ay sumablay, may parusang naghihintay. Kaunting swerte at galing sa pagpili ang labanan – sino kaya kina Briseis, Kelsey, Ennicka at Jaze ang magiging Top 1?
BFFs talaga sina Kim Chiu at Bela Padilla, dahil kahit sa “Bata Bata Pick” ay magka-tandem sila. Hindi naman sa gusto kang ipahamak ni Kim. Pero, Bela, bata n’yo ay natalo kaya punishment ay dapat tanggapin. Mag-jumping jacks ka, Bela, kada matatapos na magsalita, game?
Ano ba’ng meron kay Kim for today’s video. Siya rin ang nakabunot kay Ogie Alcasid at nagkamali sa piniling bata. Dahil diyan, si Ogie, nag-transform into ‘Barrel Man.’
Mukhang sinwerte naman sina Ion Perez at Teddy Corpuz dahil laban ng bata nila’y sa panalo nagtapos.
Star-studded ang recent episode ng “KalokaLike Face 4” dahil sa mga sikat na personalidad na bumisita! Sold-out na ang “Grand BINIverse” concert, pero si BINI Maloi, may time pa para rumaket! Ay, teka, kamukha niya lang pala! Kuhang-kuha kasi ang ngiti, boses, pati na ‘yung mga pa-ribbon niya!
Nagtuloy-tuloy pa ang P-Pop fever sa ‘Showtime’ stage. Dahil present din ang kahawig ni Stell Ajero ng SB19. ‘Yung moves, kuhang-kuha. Very ‘Stell’ din ang humor na kumiliti sa madla.
You’ll feel weak sa katatawa ‘pag nakita mo ang ka-look-alike ni John Wick. Kung nand’ya si John Wick, nasaan ang aso n’yang si Daisy? Pasok, Lassy!
Tawang-tawa sina hurado Jugs Jugueta at Teddy Corpuz. Na-entertain din si Bianca Umali. Samantala, si Rufa Mae Quinto, bumirit pa ng “Gento” kasi katunog daw ng kanyang apelyido.
Para mataas ang mga grado, kailangang ma-impress ang mga hurado. Tunghayan ang matinding bosesan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Pangarap ay maging seaman upang pamilya ay iahon sa kahirapan. Pero ngayon, bibida muna siya sa tanghalan. Panoorin si John Michael Barrameda ng Jose Lopez Manzano National High School na kumanta ng “Ngayong Nandito Ka.” Ikinuwento pa ni John Michael ang ‘bonding’ nila ng alagang kalabaw na si Bulig. At tuluyang tumulo ang mga luha nang magpalitan ng mensahe si John Michael at kanyang ina. Komento naman ni hurado Nyoy Volante, masarap pakinggan ang boses ni John Michael.
Present din si Leanne Layague ng University of San Jose-Recoletos na kumanta ng “All The Man That I Need.” Bukod sa pagiging scholar, busy din siya sa iba pang extra-curricular activities at school organizations. Ibinahagi rin niya ang vocalization technique niya na sinubukan naman ni Ryan Bang. Nabitin man si hurado Mark Bautista sa pagtatanghal ni Leanne, bilib pa rin siya sa husay na ipinamalas nito.
Matapos ang laban, si Leanne ang nakakakuha ng mas mataas na grado mula sa mga hurado. Pasok na siya sa ‘prelims’ sa Sabado.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.