Nagpasikat sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ang “Guardiyan Ka Magaling ng Tarlac City” na si Noilan Quibuyen nitong June 6 (Huwebes). Inawit ni Noilan ang kantang “The Search Is Over” ng Survivor. Nagawa niyang matapos ang kanta at ligtas mula sa bilang ng punong hurado at sa kinatatakutang gong ang pambato ng Tarlac.