Nitong June 6 (Huwebes), pinainit ng “Boracay-gandang Tinig ng Aklan” na si Nelly Milliam ang stage ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Inawit ni Nelly ang kantang “Nosi Balasi” ni Sampaguita. Nagawang tapusin ni Nelly ang kanyang performance nang hindi nabibilangan ng punong hurado.