Nauwi ni Reinanay Julianne Torres ang titulo bilang kauna-unahang "Reina ng Tahanan: Ang Pinakanatatanging Ina" ngayong araw (Nobyembre 20).
Siya ang napiling koronahan bilang pinakanatatanging ina matapos niyang nakuha ang pinakamataas na total combined scores na 96.8% mula sa choosegados na sina Amy Perez, Ruffa Gutierrez, Janice de Belen, at special guests na sina Elisse Joson at Gloria Diaz.
Bilang kauna-unahang "Reina ng Tahanan: Ang Pinakanatatanging Ina," nanalo siya ng P300,000, isang brand new house and lot mula sa Lumina, isang negosyo package mula sa UrbaniTea na nagkakahalagang P248,000, alahas mula sa Manila Diamond Studio na nagkakahalagang P112,000, at koronang dinisenyo ni Manny Halasan. Nakakuha naman ng P100,000 at jewelry set ang first runner-up na si Leona Andersen at P50,000 at jewerly set ang second runner-up na si Lilia Aban.
Sa unang round ng kompetisyon, sumabak ang walong finalists sa evening round rampa, The Greatest Showmom, at Q & A. Una ngang natanggal sa kompetisyon sina Diana Jade Salundaguit, Catrina Antonio, Analyn Salvador, Zenaida Villas, at Yolly Magat matapos makakuha ng lowest scores mula sa choosegados.
Namahagi rin ng special awards ang “Reina ng Tahanan” grand finals, kabilang na ang The Greatest Showmom Award para kay Lilia Aban, Gowndang Nanay Award para kay Julianne Torres, MAMAasahang Kaibigan Award para kay Zenaida Villas, at Madlang People’s Choice para kay Leona Andersen.
Sinubaybayan naman ng netizens ang grand finals at nagtrending din ang hashtag ng show na #TangingReINAngTahanan sa Twitter Philippines.