Dito sa "It's Showtime," may bago! Pero bago 'yan, sinimulan ni Star Magic artist Rafi ang pananghalian with an energetic kantahan. Napatanong tuloy si Kuys Jhong Hilario kung ano ang kwento sa likod ng mga hugot ni Rafi. Si MC din, mukhang may sasabihin!
Pagkatapos ng masayang kantahan, punta naman tayo sa masayang laro na bago n'yong kagigiliwan. Maki-bonding na with the 'Showtime' family! May bago man kaming ihahain, hindi magbabago ang goal namin na kayo'y palaging pangitiin.
Isang Martes full of happiness and blessings ang hatid ng bagong segment na "Bata Bata Pick." Sa larong ito, diskarte ang labanan. Magtiwala rin sa 'bata' mo para manalo, dahil kung 'bata' mo ay sasablay, ay, ay, ay, FUNishment ang naghihintay.
Sa bawat round, dalawang hosts ang mabubunot bilang tandem — isang player at isang alay. Pipili sila kung sinong 'Showtime' kid ang gagawa ng challenge, at bawat challenge na magagawa ay may katumbas na 10, 000 pesos para sa madla. Pero kung mission failed si bagets, may FUNishment para sa nabunot na alay.
Umpisa pa lang, laugh trip na agad ang naging parusa kina MC at Cianne Dominguez dahil ‘bata’ nilang si Kelsey ay kinapos sa challenge — kailangan nilang magpalitan ng suot na damit. Kakasya ba kay MC ang mini-dress ni Cianne?
Sinwerte naman sina Vhong Navarro at Kim Chiu nang maipanalo ni Kulot ang 'Haba Birthday’ Challenge.
Sa Round 3, tumaya sina Jhong at Vice Ganda kay Argus versus Jaze sa 'Hula Hoop' Challenge. Medyo kinapos si Argus, kaya ang 'alay' na si Meme Vice, napa-'whip my hair' bilang parusa. Kakayanin ba ng wig niya?
Relasyon nina Althea at Arvie, nagsimula man sa dummy accounts, feelings naman para sa isa't-isa ay naging totoo. Pero bakit ang nararamdaman ay naglaho? Alamin ang kanilang kwento sa "EXpecially For You."
Sa kasagsagan ng pandemya, natagpuan nina Arvie at Althea ang isa't-isa. One year na silang magkarelasyon bago nag-meet up, at meet the parents agad ang ganap. Hanggang sa mundo ay unti-unting bumalik sa normal. Naging busy din sila sa kanilang pag-aaral, lalo na si Arvie na may side gigs pa kasama ang banda. Effort at lambing ni Arvie, unti-unting nawala, dahilan para si Althea ay magtampo.
Hanggang isang gabi, tuluyang sumabog ang mga naipon na sakit at pagod. Nagkapalitan ng masasakit na salita. At kahit anong pagsisisi, ang mga nasabi na ay hindi na mababawi pa.
Dalawang estudyante, kumasa sa hamon ng entablado at sinubukang sungkitin ang golden mikropono.
Sa "Tawag Ng Tanghalan The School Showdown," panaginip ni Pierce Matimat ay nagkatotoo. Pambato ng STI College-Lucena, pinabilib ang mga hurado sa pagkanta ng "There Must Be Something In The Water."
Si Denise Fernandez ng Consolacion National High School, nagmula sa angkan ng mga musikero. "Kailangan Ko'y Ikaw" ang kanyang piyesa para patunayan ang talentong nananalaytay sa dugo niya.
Samantala, pinanindigan nina Cianne at MC ang kanilang FUNishment na magpalitan ng damit. Ansabe ng 'kaseksihan' ni MC in a mini-dress with matching high heels? Teka, mukhang nag-react 'yung TNT stage!
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.