Kinilala nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario ang mga KalaWhok sa KapareWho nitong Huwebes, June 6. Tinanong nila isa isa kung anong qualities ang hinahanap nila sa kanilang magiging bagong kaibigan.
Ayon kay House To Be You, gusto niya sa saing babae ang ang “masaya, ayoko ng maarte at siyempre athletic.” Pabiro namang sinabi ni Vice na “Congratulations! You’ve found what you’re looking for,” sabay lapit sa KalaWhok. Hirit ni Anne Curtis, “Hoy, ayaw daw ng maarte!” Binalik naman ni Vice ang banat ni Anne sa kanya, “Maarte ako?!”
Tinanong pa ni Vice ang mga hosts, “Sino’ng pinakamaarte dito?” Kanya kanya namang parinigan sina Mariel Padilla, Anne, Jhong Hilario at Vhong Navarro na nauwi sa pagtuturuan at aminan.