Sa kauna-unahang pagkakataon ay puro male celebrities ang KalaWhok sa Kapareho nitong Biyernes, June 7.
Nagpakilala ang unang KalaWhok na si Boy Retro. Ayon sa kanya, mahilig siya sa pormang retro, na siyang dahilan sa likod ng kanyang alyas. Sa pahahanap ng bagong friends, hindi pa siya nag-reretiro, at pansin ng It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario na sanay sa camera ang KalaWhok dahil sa confidence nito. May dalawang anak si Boy Retro pero hiwalay siya sa asawa. Gusto ni Boy Retro sa bagong kaibigan ay “‘Yung matinong-matino na gusto nang magwala!”
Sunod naman na nag-introduce sa kanyang sarili si Arf Arf And Away na mahilig sa aso dahil cute daw ang mga ito. Isang taon nang single ang KalaWhok, at hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang sakit mula sa huling break-up. Ayon kay Arf Arf And Away, maiksi ang kanyang pasenya pero walang problema sa kanya kung ang magiging bagong kaibigan niya ay isang talakera. May atraksyon si Arf Arf And Away sa mga babaeng malaki ang braso, para raw “Kaya niyang magbuhat ‘pag may baha!” Gusto rin niya ang isang babaeng matalino.
Huling nakilala ng manonood si Lakwatsamacallit. Pagpasok pa lang ng KalaWhok, nagulat ang madlang people dahil sobrang tangkad ng KalaWhok. Tila madali rin siyang makilala dahil sa kanyang height. Hilig ni Lakwatsamacallit ang pamamasyal kaya mensahe niya sa mga Whomahanap, “Hayaan n’yo po akong mag-travel sa mga puso n’yo!” Ayon sa KalaWhok, isang dahilan kung bakit siya sumali ay fan siya ni Vice at gusto niyang maramdaman ang saya sa It’s Showtime. Hanap ni Lakwatsamacallit sa isang bagong kaibigan ang mabait at masarap kausap. Dahil matangkad siya, mas gusto niya ang mga babaeng katamtaman lang ang height.