Kung may mabigat na pinagdadaanan, bitiwan mo muna ‘yan. Nandito ang ‘Showtime’ family para kayo’y i-cheer up. Ang good vibes na hanap, dito matatagpuan.
Simulan ang kasiyahan with a powerful kantahan kasama ang dalawang champions – Lyka Estrella and Jessica Villarubin. ‘Pag Bisaya, palaban sa kantahan at palaban din sa tawanan. Ang dalawang divas, may bitbit na bagong trend. Binirit ba naman ang ‘eyyy’ sabay sigaw ng ‘what’s up, madlang people!’
From kantahan, magsayawan naman tayo with Ruru Madrid, Yassi Pressman, at former “Hashtags” member Jon Lucas na may espesyal na mensahe para sa madla.
Ang pagsinta na noon ay sa isa lamang laan, nabaling sa iba at nauwi sa hiwalayan. ‘Yan ang kwento nina Maria at Lance. Tunghayan ‘yan sa “EXpecially For You.”
Paligid ay nag-slow mo nang sila’y magtagpo. Na-in love at naging inspirasyon ang isa’t-isa sa pag-aaral. Pero ‘di nagtagal, naging malamig ang samahan, nang si Lance ay naguluhan sa nararamdaman. Ano kaya ang dahilan?
Pinilit ni Maria na isalba ang kanilang relasyon, kaya cool-off ang naisip niyang solusyon. Pero ang oras na dapat sana’y laan sa pag-iisip, ginamit ni Lance para sa ibang babae ay mapalapit. Hanggang sa dulo, lalaban si Maria para sa lalaking mahal niya. Pero si Lance na mismo ang nag-udyok sa kanya na bumitaw na.
Sa weekly finals ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” pangmalakasan mode ang performances ng mga estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan.
Unang sumabak sa entablado si Breany Dullente. Ang pambato ng St. Vincent’s College Incorporated, talagang hindi mapipigil ang galing sa pagkanta ng “Unstoppable.”
Ang classic na “Sex Bomb,” naging mas exciting dahil sa unique style of singing ni Christian Pasana ng University of Pangasinan.
Inspiring naman ang atake ng pangmalakasang singer ng Calubcob-1 National High School, Matthew Trese na ibinuhos ang puso sa pag-awit ng “The Warrior is a Child.”
Last but definitely not the least, ang bet ng Ateneo de Zamboanga University, si Jayda Bue na hinarana ang madla sa awiting “Tadhana.”
Matapos ang matinding pasiklaban ng bosesan, si Christian ang umangat sa tanghalan. Pasok na siya sa ‘Midterms’ bukas.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.