Pareho ng napiling KalaWhok ang mga Whomahanap na sina Bartender Loving Care at I Will Always Radyo kaya naman kailangan nilang magharap sa Bato Bato Pick. Panalo si Bartender Loving Care kaya kinailangang magpalit ng pipiliing Kalawhok si I Will Always Radyo. Para sa kanyang second choice, napili ni I Will Always Radyo si House To Be You dahil “meron din siyang katangian [na] katulad kanina, narinig ko, mapagmahal din.”
Agad lumapit si House To Be You para magpakilala. Nagulat ang lahat nang malaman na si House To Be You pala ay ang aktor na si Lloyd Samartino. Napangiti si I Will Always Radyo na halatang natuwa sa kanyang second choice. Masaya rin si Lloyd sa pagkakapili sa kanya, at inakala pa nga raw niya ay babalik siya bukas dahil hindi siya napapansin noong una ng dalawang Whomahanap.
Nanghinayang naman ang It’s Showtime family kay Games Reid dahil tatlong sunud-sunod na araw na itong hindi napipili.