Pinili ng Whomahanap na si Mama Cool Pa ang KalaWhok na si Lakwatsamacallit nitong June 7 (Biyernes) sa KapareWho.
Si Mama Cool Pa ay ang dating aktres na si Via Veloso. Ayon kay Mama Cool Pa, napili niya si Lakwatsamacallit dahil “so far lahat naman ng mga sagot niya, nagustuhan ko and medyo naiintriga lang ako sa kanya!” Gusto raw kasi ni Mama Cool Pa ang isang lalake na misteryoso. Agad lumapit si Lakwatsamacallit kay Mama Cool Pa para magpakilala.
Nagulat naman si Mama Cool Pa nang makita ang KalaWhok na kanyang napili dahil sobrang tangkad nito. Tuwang-tuwa ang lahat sa reaksyon ni Mama Cool Pa kaya pina-replay nila ito sa VTR.
Si Lakwatsamacallit ay ang professional basketball player at aktor na si Mark Andaya. Naglalaro si Mark para sa Pasig Pirates ng Maharlika Basketball League. Minsan na rin siyang lumabas sa Kapamilya teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano at MMFF film ni Vice na “Fantastica.”