Nitong Sabado, March 23, bumisita sa It’s Showtime ang mga bida ng pelikulang “Eerie” na sina Bea Alonzo at Ms. Charo Santos-Concio.
Inimbitahan nina Bea at Maam Charo ang lahat na manood ng latest horror offering ng Star Cinema na ipapalabas na ngayong March 27. Inanunsiyo rin nila na bukod sa Pilipinas, ipapalabas din ang “Eerie” sa Singapore, Malaysia, Brunei, Taiwan at Hongkong.
Dahil nahilingan ng sample ng madlang people ang dalawa sa pinakamagagaling na Kapamilya actresses sa bansa, hindi inurungan nina Bea at Maam Charo ang “Oh Na Na” Dance Challenge.
Nagsilbing dance coach si Vhong Navarro sa surprise number nina Bea at Ma’am Charo. Tila kinabahan si Vhong sa kanyang pinapagawa sa kanilang mga bisita kaya nasabi niyang “Lagot ako!”
Ani Vhong, “Hindi ko din alam kung sigurado ako, ‘pag Lunes hindi n’yo ako nakita, ibig sabihin natanggal ako sa trabaho.”
Game naman si Ma’am Charo na gawin ang dance challenge, pero bago sumayaw ay napansin ng ABS-CBN Executive na may kulang sa hosts at nagtanong ng “Bakit may late na naman!?”
Banat ni Karylle, “Lagot ka, Vice Ganda!”
Gumatong naman si Vhong at sinabing “Ako, sinabihan ko po ‘yan kahapon na pupunta kayo dito. Huwag siyang male-late. Ay late na naman!”
Pinagtanggol naman ni Amy Perez si Vice Ganda dahil nasa dressing room na raw ito at nagme-make up lang. Nanawagan pa si Tyang Amy kay Vice na bilisan nito sa pagpunta sa studio. Nilaglag naman ni Jhong Hilario si Vice at sinabing “Ma’am Charo, hindi niya alam na may surprise visit kayo!”