Ramdam na ba ang pagod habang papalapit ang weekend? Buti na lang always ready ang ‘Showtime’ family para magbigay ng good vibes, friend!
Happy vibes times five with BGYO Gelo, Akira, JL, Mikki, and Nate! Goodbye sa mga nega pati na sa mga mahilig mang-bash. Dahil joy at kilig lang ang hatid ng BGYO na may pa-sample ng kanilang latest single, “Trash.”
Si Lassy, hindi naitago ang ‘feelings’ sa BGYO. Hirit niya, mukhang sa kanya nakuha ang title ng bagong kanta ng grupo. Si Lassy talaga, masyadong mapagbiro! Si MC, may gustong sabihin sa OT5 natin, walag iba kundi “you deserve it” pa rin.
Award-winning ang performance ng mga cutie chikiting sa “Showing Bulilit.” Sina Kulot at Kelsey, nagmata-mata acting! Pati batuhan ng linya nina Argus and Jaze, nakaka-amaze!
Hindi rin nagpakabog ang mga hosts sa pabilisan sa pagpindot at pagsagot. Lahat ay naka-puntos! Karylle at Ryan Bang, may strategy para matakot ang kalaban. Sina Ogie Alcasid at Kim Chiu, nagtulungan, pero minsan may bukingan. Malakas din ang naging laban nina Teddy Corpuz at Darren Espanto; pati tandem nina MC at Vhong Navarro, ginalingan for today’s video. May halong sweetness at kulitan naman ang pares nina Lassy at Wize Estabillo.
Laro na may kaunting bukingan! Si Kim, feel na feel ang pagsagot ng, “Ikaw Ay Akin.” Hirit tuloy ni Darren, mukhang may pinaghuhugutan si Kim. Samantala, nag-struggle man sa simula, good pa rin ang performance nina Karylle at Ryan sa jackpot round.
Madlang people ay natuwa at nawindang nang makilala ang tatlong contestants sa “KalokaLike Face 4.”
Fresh from L.A., bumisita si ‘kalokalike’ Ariana Grande! Mula sa buhok na naka-high pony, sa plakadong cat eye, pati sa singing voice at tawa, siya talaga si Ariana! Napalaban naman sa English si hurado Maymay Entrata, ang original ‘amakabogera,’ nang mag-comment sa performance ni Ariana.
Very Apl.de.ap ang galaw, pagkanta at pag-rap ni contestant number 2. Kinapos lang sa balbas, sabi nina hurado Teddy Corpuz at Jugs Jugueta. Subukan nga natin ang Kapampangan core ni Apl. Ion Perez, pasok!
‘Da best na laugh trip ang hatid ni kalokalike number 3, Dao Ming Si! Naloka ang lahat nang pati co-F4 member n’yang si Vanness Wu ay nakigulo. Sila siguro ‘yung F4 na tinamaan ng meteor! Eme! Basta sabi ni hurado Maricar de Mesa, nakakaloka man nang malala, ang importante ay napasaya ni Dao Ming Si ang madla.
Golden mikropono ay susungkitin ng mga estudyanteng palaban sa singing. Panoorin ang matinding pasiklaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Unang sumabak sa entablado ang pambato ng COR Jesu College, Inc, si Hannah Jane Pre, na bumirit ng “Saving All My Love For You.” Very swabe kung ilarawan ni hurado Darren Espanto ang performance ni Hannah, na pangarap din ang maging nurse. Parinig naman ng ‘nursing’ jokes n’yo, madlang people, dahil may entry si hurado Ogie Alcasid.
Na-enjoy naman ni hurado Kean Cipriano ang pagkanta ni Dylan Garingo ng Calasiao Comprehensive National High School. Napag-usapan din ang hilig ni Dylan sa pagtatanim. Patalinuhan pala ang labanan ng jokes for today’s video. Ansabe ng pa-‘chlorophyll’ ni Lassy?! Lumaban sa ‘monocot and dicot’ ni Meme!
Sa daily round na ito, umangat si Hannah Jane. Siya ang hinirang na Top 1 nina hurado Kean Cipriano, Ogie Alcasid, at Darren Espanto.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.