Isang naglalagablab na performance ang ibinigay ng “Girl-tara Singer ng Marikina City” na si Julianna Reyes, nitong June 6 (Huwebes) sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Para ipamalas ang angking talento sa pag-awit, ginamit ni Juliana ang kantang “Girl On Fire” ni Alicia Keys. Nagawang tapusin ni Julianna ang kanyang kanta nang hindi nabibilangan ng punong hurado.