Nitong June 7 (Biyernes), bumisita at nag-perform sa It’s Showtime stage ang dalawa sa pinakamagagaling na singers na bansa.
Unang sumalang ang OPM icon na si Jessa Zaragoza na inawit ang kanyang hit single na “Bakit Pa.” Nagpalakpakan din ang studio audience nang lumabas si Richard Poon sa stage at inawit naman ang Jazz version ng kaparehas na kanta. Sa huli ay nag-duet ang dalawa sa pag-awit ng classic hit ni Jessa.
Inimbitahan nina Jessa at Richard ang madlang people na panoorin ang kanilang concert na may titulong “Just Right” na gaganapin sa Newport Performing Arts Theate sa June 8 (Sabado) .