Bumisita sa It’s Showtime ang komedyante at magician na si Jeff Tam nitong June 6 (Huwebes), at kasama pa niya ang isa pang magician at America’s Got Talent finalist na si Damien Aditya.
Nahilingan na mag-sample si Jeff ng kanyang magic sa Kapamilya noontime show. Sinabihan ni Jeff si Vhong Navarro na mag-isip ng isang taong kilala. Pinasulat ni Jeff kay Vhong ang pangalan ng tao sa isang pirasong papel. Sinulat ni Vhong ang pangalan ni Michael Jackson na ipinakita niya sa madlang people. Tumalikod si Jeff para hindi makita kung anuman ang isinulat ni Vhong. Matapos nito ay tiniklop ni Vhong ang papel ng apat na beses at nilagay sa kanyang bulsa. Kumuha ng isa pang piraso ng papel si Jeff na ginupit-gupit niya. Ang natira sa ginupit na papel ay ipinahawak ni Jeff kay Anne Curtis.
Sunod ay pinabanggit ni Jeff ang pangalan ng taong naisip ni Vhong na si Michael Jackson. Muling kinuha ni Jeff ang ginupit na papel mula kay Anne at ipinakita ang imahe ni Michael Jackson na nabuo mula dito. Manghang-mangha ang lahat sa magic na ipinamalas ni Jeff.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv