Nitong June 17 (Lunes), bumisita sa It’s Showtime sina Jake Cuenca at Ritz Azul na inanyayahan ang madlang people na panoorin ang action film na “Kontradiksyon” na pinagbibidahan nilang dalawa.
Ang “Kontradiksyon” ay sa ilalim ng direksyon ni Njel de Mesa at ipapalabas na simula sa June 16.
Hindi nakaligtas ang Los Bastardos star sa hamon ng hosts na magsample ng Binatang Pilipino Challenge. Dahil hindi pamilyar dito si Jake, itinuro sa kanya ni Jhong Hilario ang steps sa pagsayaw nito. Kilig na kilig ang madlang girls nang magpakita ng abs si Jake.
Hindi naman nagpahuli si Ritz na ginawa naman ang Dalagang Pilipina Challenge.