Fan nina Vice Ganda at Ate Girl Jackque Gonzaga ang Tawag Ng Tanghalan contender na si Janno Nazareno. Ayon kay Janno, noong mga panahong bagong opera siya ay napasaya siya ng Vice-Jack love team na napapanood niya habang siya ay nagpapagaling sa ospital.
Para mas sumaya si Janno, ipinatawag ni Vice si Jackque at ipinakilala sa kanya. Dahil biglaan, lumabas si Jackque sa stage na naka-jacket at shorts lamang.
Masaya naman si Jackque nang ma-meet niya si Janno. Nang sabihin ni Janno na kinikilig siya sa tambalang Vice-Jack, sambit ni Jackque kay Vice, “Sabi ko sa iyo eh, mas bagay tayo!”
Inamin ni Janno na broken hearted siya ngayon dahil masakit ang naging huling break up niya. Pinayuhan naman ni Vice si Janno na manalig lang at huwag mawalan ng pag-asa na darating din ang tamang pag-ibig sa kanya.
Nang tanungin ni Anne Curtis kung ano ang maipapayo ni Jackque kay Janno, ito ang kanyang nasabi, “Huwag tayong sumukong magmahal, kasi nakakasakit man, pero masarap maramdaman ‘yung tunay na pagmamahal... I feel you.”
Napansin naman ni Anne na biglang nangilid ang luha ni Ate Girl matapos itong magsalita, “Parang naiiyak ka, Jackque.” Niyakap nina Vice at Anne si Ate Girl na sa puntong iyon ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha.
Nagbigay ng love advice ang Unkabogable Star para kina Jackque at Janno na nagsabing “Pag-ibig ang gagamot sa sugat na nilikha din ng huling pag-ibig.”
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv