Inawit nang live ng Idol Philippines host na si Billy Crawford at mga huradong sina Vice Ganda, James Reid, Moira Dela Torre, at Regine Velasquez-Alcasid ang 2019 ABS-CBN “Summer is Love” theme sa It’s Showtime nitong April 27 (Sabado), sa pangunguna nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, Mariel Rodriguez-Padilla, at Ryan Bang.
Tulad ng mga kampanya ng ABS-CBN na “Just Love” at “Family is Love,” hatid rin ng “Summer is Love” ang mensahe ng pagmamahal at kahalagahan ng pagkakaisa ng pamilya at magkakaibigan, sa hirap man on ginhawa.
Gawa ang “Summer is Love” station ID ng ABS-CBN Creative Communications Management division. Isinulat nina Robert Labayen at Lloyd Oliver Corpuz ang lyrics habang ang musiko at karagdagang rap lyrics ay likha nina Yumi Lacsamana at Thyro Alfaro. Gawa naman ang sayaw na “Summer is Love” nina Edsel Misenas at ang Autonomicass Crew.