Bago magsimula ang kapareWho sa It’s Showtime nitong Lunes, June 3, pinansin ni Vice Ganda ang tila hindi pinaliguang buhok ni Jackque Gonzaga. Ayon kay Ate Girl, tinatawag daw itong “gising hairstyle.” Kahit mukha itong matigas, sinabi ni Jackque na binabasa at sina-shampoo niya ito araw-araw.
Matapos nito ay ipinagmalaki ni Jackque ang kanyang “most requested apple juice.” Matamis umano ang kanyang juice at nutritious pa. Pero gusto ni Vice ng ibang choices ng juice kaya tinawag niya ang isa pang tagapaghatid ng inumin na si Kuya Escort Ion Perez.
Pagpasok pa lang, agad sinabi ni Ion na-miss daw niya si Vice. Nagtampo naman si Vice kay Jackque dahil hindi man lang daw siya na-miss nito. Depensa ni Ate Girl, laging nasa isip niya ang Unkabogable Star.
Pahayag naman ni Ion na na-miss niya ang kulitan nila ni Vice at “Kailangan kita [Vice] sa araw-araw, kailangan kitang makita.” Kinilig pa si Vice nang sabihin ni Ion na “Iba [kasi] ‘yung ganda mo... gandang pang game 7!”
Sinita naman ni Vice si Jackque dahil tila tinatawanan siya nito dahil kinikilig siya sa mga sinasabi ni Ion. Sagot ni Jackque, “Masaya lang ako na ang laki-laki ng ngiti mo... pang game 7!”
Iginiit naman ni Ion na na-miss niya talaga si Vice, at maging ang madlang people nakaramdam ang pangungulila ni Kuya Escort para sa Phenomenal Box Office Star. Hirit pa ni Ion na kahit nangungulila ay alam niyang siya pa rin ang panalo sa puso ni Vice.
Na-curious naman si Vhong sa sinabi ni Ion kaya tinanong niya kung mayroon bang karibal si Kuya Escort. Sagot ni Ion, “Meron akong karibal, Kuya Vhong kaya lang laging talo eh... ‘yung bansot!” Ramdam naman ni Jackque na siya ang pinatatamaan ni Ion kaya biglang sumimangot ang It’s Showtime dancer. Tinanong pa ni Jackque si Ion ng “Naliliitan ka ba sa’kin?! Kahit anong gawin mo, hindi masarap ‘yang juice na dala mo! Mas pipiliin niya ‘yung apple juice ko!”
Pinagmalaki ni Ion ang kanyang passion fruit flavored juice. Banat pa ni Ion, “Maganda, para sa iyo [Vice] kasi passion, ang dulo noon I-O-N, Ion!”
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv