Nitong Sabado, Oktubre 5, sa KapareWHO: Senior Edition sa It's Showtime, ipinarinig ni Ion Perez ang kanyang wedding vows para kay Vice Ganda.
Sa kadahilanang natuwa si Vice sa wedding vows na sinabi ni KalaWhok Chickendeng Mo kay WHOmahanap Pray-chelle Ann Go, kinumbinse nina Vhong Navarro at Ryan Bang si Ion na ibahagi rin ang kanyang pangako para sa Unkabogable Star.
"Pinapangako ko sa'yo na hindi ko man maibibigay sa'yo ang mundo pero gagawin ko ang lahat para mapasaya ka, mapaligaya ka at higit sa lahat, iingatan ko ang damdamin mo. 'Di ako papayag na saktan ka. Mahal na mahal kita," lahad niya.
Kinilig si Vice nang sobra matapos marinig ang sinabi ni Ion ngunit nagulat ito nang malamang kamay pala ni KalaWhok Chickendeng Mo ang hawak niya habang naririnig ang boses ni Kuya Escort.
Binalikan niya si KalaWhok Chikendeng Mo at pabirong sinabi, “Nanggigil ako sa inyo, Sir! Pinipilit kong magbigay galang pero… katapusan mo na!
Tinukso siya ng kanyang co-hosts na kinilig siya sa nangyari kahit kamay ng iba ang hawa niya. Nag-emote si Vice at nagpahayag ng pagkadismaya, “’Yun ang masakit eh. ‘Yung kinikilig ka na tapos malalaman mong huwad pala. Pinaasa n’yo lang ako.”