Malakas ang vibration ng energy banda rito sa “It’s Showtime” studio! May nagpaparamdam para maghaik, hindi ng lagim, kundi ng kasiyahan!
Spooky sayawan ang pa-Halloween treat ng ‘Showtime Baby Dolls,’ na nag-share pa ng kanilang real-life horror stories. Of course, hindi magpapahuli ang ‘Showtime’ hosts, na may nakakapangilabot na mga kwentong kababalaghan. Si Anne Curtis, may scary experience sa taping ng “It’s Okay To Not Be Okay.”
Samantala, si Darren Espanto, kakaibang ‘horror’ naman ang naranasan, na tinawag n’yang ‘The Exorcism of Jackie Gonzaga!” Ano’ng katatakutan nga ba ang na-experience ni Darren kasama si Ate Girl?
Bago pa mag-costume change for trick-or-treating, sa “Showing Bulilit” muna mangungulit ang mga chikiting na cute at mababait! Hindi kendi, kundi malakas na palakpakan ang reward nila sa akting na nakamamangha! Argus Kulot, Jazen, Kelsey at Imogen, let the aktingan begin.
May cute na paandar ang magkakapares na sina Ogie Alcasid at Ryan Bang, Anne Curtis at MC, Jackie at Lassy, Kim Chiu at Darren, Vice Ganda at Cianne Dominguez, at Teddy Corpuz at Ion Perez. Dapat may pa-song number bago ang laro!
Teka, Vice-Ogie na ba ang bagong loveteam? At bakit may ‘suhulan’ na nagaganap kina Vice at Darren? Si Kim, hindi na maalala ang pelikula n’ya, bakit kaya?
Tabi-tabi po! Oops, tabi, dahil nandito na ang mga kawangis ng sikat sa “Kalokalike Face 4.”
Ang mommy ni Sky Love Cruz, bumisita sa “It’s Showtime!” Ageless beauty ni Angel Aquino ang peg ni contestant number one. Kuha din kaya n’ya ang mala-Angel na aktingan?
Si Jericho Rosales kalokalike, isa pang akting na akting, although medyo loading! Pati tuloy si Anne ay nahawa na! Ang ending, naging charades ang eksena, na nauwi pa sa isang game show segment with Vice Ganda. Ang gulo pero ang saya!
Jhake Vargas in the house! Of course, pangmalakasang harana ang dala, parang nasa mall show lang ba! Kuha naman daw ang kapal ng kilay at softness ng boses, ayon kay hurado Chariz Solomon, pero kinapos lang sa diameter ng mukha. Diameter?!
May manalo kaya sa kanilang tatlo?
Dalawang estudyanteng hindi takot abutin ang kanilang mga pangarap, nagharap sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Si Kian Joy Guarin ng Cavite State University, makulay ang performance sa entablado. Boses n’ya ay iduduyan ka sa alapaap papunta sa “Rainbow.”
Powerful at intense naman ang atake ni Sophia Mangaron ng Consolacion National High School-Day Class na bumirit ng “All By Myself” sa tanghalan.
Matapos ng matinding salpukan ng mga tinig, naging touching ang mga sumunod na eksena nang pasalamatan nina Kian at Sophia ang kanilang mga ina. At bilang reward sa kanilang mga sakripisyo, si Vice Ganda na ang bahala sa early Pamasko para sa dalawang butihing momshies.
Sa huli, si Kian ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Marco Sison, Jed Madela, at Ogie Alcasid, dahil sa mas nabigay nito ang tamang emoyon sa pagkanta.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.