Nitong Huwebes (June 6) sa It’s Showtime, sinita ni Vice Ganda ang isang dancer na tagasundo ng Tawag Ng Tanghalan contender dahil sa hindi raw maayos ang paglakad nito. Ayon kay Vice, halata sa dancer na hindi ito sanay magsuot ng high heels.
Tinawag ni Vice ang nasabing dancer na gusto niya sanang turuan ng tamang paraan ng paglalakad. Dahil present ang Binibining Pilipinas candidates ng araw na iyon, pinaturuan ni Vice ang dancer sa isang kandidata. Pinili ni Vice ang dating miyembro ng Girltrends at candidate number 1 na si Jessica Marasigan.
Sinample ni Jessica ang kanyang natutunan sa pagrampa na umani ng palakpakan mula sa madlang people. Ayon sa kandidata, “First, prepare your hips, and you have to stand straight, shoulders back, chest out.” Pinagawa ni Vice ang nasabing steps sa dancer. Ginawa rin ng Unkabogable Star ang step by step instructions na itinuro ni Jessica. Tinanggal ni Vice ang kanyang blazer para mas ma-emphasize ang kanyang hips, chest at shoulders. Natawa ang lahat nang hindi inaasahang maglakad si Vice sa maling paraan.