Through the years, countless memories na ang ating pinagsaluhan. Mula umpisa hanggang dulo, tayo ang magkakasalo. At ngayong 15 taon ang sine-celebrate natin, mas masaya ang jamming na may reminiscing. Balikan ang nakaraan with our iconic ‘hurados’ Dimples Romana, Gladys Reyes, at Nicole Cordoves.
“Hello, madlang people! Hello, ladies!” bati ni Nicole na ating na-miss! Sina Dimples at Gladys, dalawa lamang din sa mga OG hurados na minahal ng Madlang People! Marami man ang nagbago sa mga personal journey nila, pero hindi ang pagmamahal sa madla at kanilang ‘Showtime’ pamilya.
Makikanta sa ating mga bisita, with the ‘Showtime’ family! Plus, silipin ang naging paghahanda ng Team Kim Chiu-Ogie Alcasid-MC-Lassy para sa “Magpasikat 2024.” Bakit si Divine Tetay ang masyadong na-stress? Ano ba ang role niya sa performance nina Kim, Ogie, at sa dalawa n’yang bes?
Kumusta ka? Kaya pa ba? 'Yung totoo?
‘Yan ang tanong nina Kim, Ogie, MC, at Lassy sa kanilang “Magpasikat 2024” performance, na hango sa mga pain and internal struggle nila sa buhay. Dahil sa kabila ng mga ngiti at pagpapasaya ng iba, mga tao rin sila na deserve ang kumalma at huminga. Check on your friends and family. Okay pa ba sila? Ikaw, okay pa ba?
Pero hindi lang saksak-pusong drama ang hatid ng grupo. Makapigil-hininga ang mga eksena–mula sa pagtugtog ni Ogie ng piano sa isang revolving platform sa tuktok, aerial dance ni MC at Lassy at level-up trapeze act ni Kim!
May special participation din via VTR ang loved ones nilang apat, kabilang na ang anak ni Ogie na si Nate at ang Ate Lakam ni Kim. Spotted din sa studio ang wifey ni Ogie, na si Regine Velasquez.
Pati mga hurado, kabado! Napadasal na lang si hurado Donny Pangilinan habang lumalambitin si Kim sa ere! Pero dagdag niya, sobrang affecting ng napiling tema, na ang salitang ‘kumusta ka’ ay simple man pakinggan pero malalim ang kahulugan.
“Ang dami kong emosyon na naramdaman,” sabi ni hurado Gabbi Garcia, na nakita ang ‘self-love’ sa mensahe ng grupo. Naramdaman naman ni hurado
Alice Dixson ang puso nina Ogie, Kim, MC at Lassy bilang performer, at hinangaan ang out-of-the-box solo acts nila.
Ayon naman kay hurado Freddie “FMG” Garcia, ipinakita ng grupo ang ibig sabihin ng ‘the show must go on;’ na sa mundo ng showbiz, tuloy-tuloy lang ang pagpapasaya sa harap ng camera anuman ang pinagdadaanan ng isang artista.
‘Finding your next chapter’ naman ang binigyang-diin ni Direk Rory Quintos sa kan’yang komento dahil sa tulad nina Ogie, Kim, MC at Lassy na nakakaramdam ng fear at insecurities bilang entertainers.
Ano’ng score ang deserve ng Tuesday group, Madlang People?
Sa gitna ng ating “Kinseyyy” anniversary celebration, tuloy-tuloy pa rin ang laban ng mga pangarap sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Concert-like performance ba ang hanap n’yo? Sagot na ‘yan ni Holy Angel University student Gravity Baruelo na kumanta ng “Lady Marmalade” sa entablado. Nag-enjoy si hurado Darren Espanto sa fun and fearless showcase ni Gravity, at humanga naman si hurado Zsa Zsa Padilla sa rap skills n’ya.
Pero hindi nagpadaig ang pambato ng Agoncillo College Incorporated, si Arvin Dano, na hinarana ang madlang people sa awiting “Handog.” Komento ni hurado Klarisse de Guzman, simple pero mapuso ang areglo ng pag-awit ni Arvin, dahilan para siya ang tanghalin na daily winner!
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.