Nitong June 17 (Lunes), isang bigay-todong performance ang inihandog ng Tawag Ng Tanghalan hurados na sina Yeng Constantino at Erik Santos sa opening number ng It’s Showtime.
Bumilib ang It’s Showtime family sa ipinakitang extraordinaring galing sa kantahan ng dalawa. Ayon kay Teddy Corpuz, “Ang sakit sa bangs nung ano n’yo ha, nung kantahan n’yo!” Nagulat si Anne Curtis dahil nasa dressing room daw siya nang marinig ang birit ni Yeng. Pero sinabi ni Teddy na kayang-kaya raw ni Anne na makipagsabayan kay Yeng pagdating sa biritan. Hihingi sana ng sample si Yeng, pero ayon kay Anne, “Nangyayari lang ‘yun, mga 11pm!”
Kinuwento ni Yeng na ngayong opisyal nang inunsyo ang pagsisimula ng tag-ulan, masarap “mag-stay lang sa bahay tapos uminom lang ng kape,” lalo na daw kapag masama ang panahon. Minsan daw ay sinasabayan pa ni Yeng ng music ang kanyang pagkakape. Si Erik naman ay trip lang kumain at matulog kapag masama ang panahon. Bigla namang sinabi ni Yeng na kahit puro kain si Erik ay nagtataka siya kung bakit hindi tumataba ang tinaguriang King of Teleserye Theme Songs.
Hinamon ng hosts na magsample ang dalawang talented Kapamilya singers ng Mathematics Dance Challenge. Game na game naman na nagpaunlak sina Erik at Yeng sa hiling ng lahat.