Salubungin ang Monday with good energy! Dahil love kayo ng "It's Showtime" family, full of heart ang mga surprises ngayong Lunes!
Nakisaya ang cast ng Kapuso afternoon drama “Makiling.” Present sina Christopher Martin, Myrtle Sarrosa, Thea Tolentino, at Elle Villanueva na naghatid ng isang dance number kasama ang Legit Status Dance Crew.
May bago sa "Showtime!" Introducing the new "Showing Bulilit" segment!
Sa larong ito, magkaka-tandem ang "It's Showtime" hosts sa paghula ng movie title sa pamamagitan ng piling eksena to be acted out by the "Showtime" kids.
Kailangan lamang hintayin na matapos ang eksena bago pumindot ng buzzer at manghula. Ang mga pares for today’s video: Vice Ganda at Ogie Alcasid, Jhong Hilario at Ion Perez, Darren Espanto at Teddy Corpuz, Vhong Navarro at Jugs Jugueta, at ang trio nina Kim Chiu, MC, at Lassy.
Ang mga buena mano champions na sina Kim, MC, at Lassy, naka-perfect sa jackpot round!
Hindi man naka-puntos, bawing-bawi naman sa ‘asaran’ ang ibang teams. Ilang beses na-disqualify si Meme Vice dahil sa pagiging competitive! Nakaka-amaze rin ang acting skills na ipinakita nina Argus, Jaze, Kulot, at Kelsey.
Sa “EXpecially For You,” tampok ang love story na nagsimula sa Instagram pero nauwi sa masakit na paalam!
Hindi malilimutan ni Miyuki ang mga sweet gestures ng ex na si DJ, pero hindi rin maalis sa isip niya ang mga iniwan nitong trauma. Pakiramdam niya ay hindi siya naprotektahan ni DJ no’ng makaranas ng ‘bullying’ mula sa pamilya nito nang dahil sa magkaibang paniniwala sa pulitika.
Mas lumawak pa ang distansiya sa pagitan nila nang mahuli ni Miyuki ang ‘cheating’ acts ni DJ sa TikTok. Nakaapekto rin ang seven-year age gap nila sa mga ‘conflict’ sa kanilang relasyon. At dahil 17 lamang nang ligawan ni DJ si Miyuki, matatawag ba itong ‘grooming?’
Sa pagpapatuloy ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” mga mang-aawit mula sa iba’t-ibang pamantasan ang naglaban-laban.
Freshman sa paaralan, pero hindi baguhan pagdating sa kantahan! Siya si Princess Jaina Pesigan ng Lyceum of the Philippines University-Batangas – handang patunayan na s’ya ang ‘best student-singer’ sa pag-awit n’ya ng “River.” Siya ay nakakuha ng grado na 91.7% mula kina ‘hurados’ Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, at Louie Ocampo.
Mula naman sa Unibersidad De Manila, ang singing scholar na si Erwin Villanueva na umawit ng “Delilah.” Siya ang nakakuha ng marka na 92.7% at pasok sa semifinals sa Sabado.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.