Kaarawan ng daily contender na si Clyde Borongan nitong June 3 (Lunes) at agad siyang binati nina Vice Ganda at Mariel Padilla matapos ang kanyang performance sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.
Nagdiriwang ng kanyang 31st birthday si Clyde at naging emosyonal siya matapos batiin ng It’s Showtime hosts. Birthday wish ni Clyde na “Sana magkabati na kami ng asawa ko!”
Tinanong nina Vice at Mariel kung ano ba ang naging problema nina Clyde at kanyang misis. Kwento ng contender, ayaw siyang payagan ng kanyang asawa na sumali sa Tawag ng Tanghalan. Sinabihan ni Vice si Clyde na manawagan sa kanyang asawa. Pahayag ni Clyde, “Beh! Ang pagsali ko po dito ay para po sa inyo...Beh mahal na mahal kita!”
Kabado si Clyde na halos mabulol kaya naman sinabihan siya nina Vice at Mariel na gawin muli ang panawagan sa kanyang native tongue na Bisaya.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv