Sa kabila ng pinagdadaanang pagsubok ng bansa, muling magbabalik ang buong pamilya ng It’s Showtime para samahan ang madlang people na sumaya at bumangon sa pagbabalik nito sa telebisyon sa Kapamilya Channel at Jeepney TV simula ngayong Sabado ng tanghali (Hunyo 13).
Sa pamamagitan ng bagong segments ng It’s Showtime, aabutin ng hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, at Vice Ganda ang iba’t ibang pamilya at barangay sa bansa para maghatid sa kanila ng saya, ginhawa at kabuhayan.
Kabilang sa mga inaabangang segments ang “Super Fiestars,” na magbibigay ng pagkakataon sa superstars ng iba’t ibang lokal na barangay na magbayanihan at makapagpasikat para magbigay ng saya makatulong sa pagbangon ng kanilang komunidad.
Live din ang paghahanap ng hanapbuhay ng mga Pilipino at pamimigay ng papremyo sa “1Ted: Now Hiring,” kung saan dalawang ‘applicandidates’ ang magtatapatan kada araw para sa isang trabaho. Pagkatapos ng tatlong rounds, magdedesisyon ang employer kung sino ang tatanggapin niya sa trabaho at ang mag-uuwi ng cash prize.
Sa game segment namang “Pamilyanaryo,” bibigyang-pugay at papremyo ang mga pamilyang nominado ng kanilang barangay na may natatanging ambag sa kanilang mga komunidad. Sa bawat episode, dalawang miyembro ng bawat pamilya ang makakasama at maglalabanan nang live sa studio. Ang pamilya namang maswerteng makakapasok sa jackpot round ay maaaring manalo ng Php1 milyon.
Tuluy-tuloy rin ang pangmalakasang kantahan ng sambayanan sa bago nitong season na kukuha ng mga magtatapatan mula sa mga barangay “Tawag ng Tanghalan.” Sa edisyong ito, dalawang pangmalakasang singers mula sa magkaibang barangay ang magtutunggali sa dalawang round ng kantahan upang tanghaling daily champion at muling lalaban sa weekly finals.
Kasabay naman ng pagbabalik-studio ng It’s Showtime ay ang pagtutupad nito ng bagong guidelines para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga artista, crew, staff, at studio contestants nito sa lahat ng punto ng produksyon ng show.
Mapapanood ang It’s Showtime tuwing tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa Jeepney TV at sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel channel 2, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa). I-check naman ang mysky.com.ph at kontakin ang cable operator para sa malaman ang channel assignment sa ibang lugar.
Bagama’t ngayon ay hindi lahat ang makakapanood ng Kapamilya Channel, unti-unting maghahanap ng paraan ang ABS-CBN para maihatid ang mga programa sa higit pang nakararaming nagmamahal at nasasabik sa mga paborito nilang palabas mula sa ABS-CBN.
Salubungin ang pagbabalik ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel at Jeepney TV simula ngayong Hunyo 13 sa SKY, Cablelink, G Sat, at karamihan ng cable operators na miyembro ng PCTA sa buong bansa. Mapapanood naman ang livestreaming ng Kapamilya Channel at mapapanood ang mga programa nito sa iWant app at sa iwant.ph at sa Showtime Online Universe sa Youtube at Facebook! Abangan din sa TFC ang pagbabalik ng It’s Showtime!