Dobleng kilig at saya ang hatid ng It’s Showtime sa unang araw ng Hunyo dahil sa back to back performances sa opening number ng hit noontime show.
Nagpasikat ang OPM hip-hop group na AllMo$t, at ipinarinig ang kanilang single na “Bagay Tayo.” Mas binigyang-buhay pa ito ng It’s Showtime dancers at XB Gensan na cool na cool sa kanilang hip-hop outfits.
Matapos nito ay nagpasikat ang Kilig Ambassadors na Hashtags sa pagsasayaw ng 90s dance hit na “Sweat” ng Inner Circle. Bigay-todo sa pag-indak ang grupo habang tuwang-tuwa naman ang madlang people sa kanilang high intensity production number.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv