Sa KapareWho nitong Huwebes, March 21, tinanong ni My Batondo Girl ang mga KalaWhok ng “Kung sesendan n’yo [ako] ng good morning message, ano’ng laman ng text nito?”
Ang mga KalaWhok na tumanggap ng hamon ay sina Dealer Ocampo, Beatmode, at Engine Ka na Naman.
Unang sumagot si Dealer Ocampo na nagsabing ang laman ng kanyang morning message ay “Hi, good morning. Gising na you? Dito na me!” Sunod naman si Engine Ka na Naman na ang text ay “Hi good morning, mwah mwah chup chup!” Huli si Beatmode na nagsabing “Good morning, kain na you, kain na me.”
Pinakanagustuhan ni My Batondo Girl ang sagot ni Engine Ka na Naman. Tanong naman ng Whomahanap na si Police Be Careful, “Ano sa tingin n’yo na hanggang sa ngayon ikinaka-guilty n’yo?”
Ayon kay Beatmode, “’Yun nangungupit ako ng pera... sa tindahan!” Naka-relate si Vice Ganda sa pag-amin ni Beatmode dahil kumukupit din siya sa tindahan nila noon. Si Engine Ka na Naman ay nagsabing “’Yung pagiging hindi ko honest” ang kanyang ikinaka-guilty. Para naman kay Dealer Ocampo, guilty siya dahil siya ay “laging late.” Ayon kay Dealer Ocampo, late siyang dumating sa studio para sa kanilang call time. Hindi kasi siya nakatulog dahil sa tensyon na sasali siya sa KapareWho.
Pinaka-honest naman para kay Police be Careful ang sagot ni Beatmode na nangungupit siya sa tindahan. Pero sa huli, pinili ni Police Be Careful si Dealer Ocampo bilang kanyang KapareWho. Ito ay kahit pa gusto rin sana ni My Batondo Girl ang parehong KalaWhok.
Sa huli, pinili ni My Batondo Girl si Engine Ka na Naman mula sa mga KalaWhok. Agad lumapit si Engine Ka na Naman kay My Batondo Girl at nagpakilalang si RG Cruz. Naging masaya naman si My Batondo Girl sa ginawang pagpaparaya dahil gwapo rin ang napili niyang KapareWho.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv