Nitong November 28 (Wednesday), humataw sa pagsayaw sa opening number sa It’s Showtime ang dalawa sa pinakamagagaling na Kapamilya teens sa bansa na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.
Pero bukod sa guesting ng dalawang bida sa teleseryeng Kadenang Ginto, nitong Miyerkules din bumalik sa noontime show si Anne Curtis mula sa kanyang honeymoon vacation sa Africa.
Masayang winelcome back ng It’s Showtime family at ng madlang people si Anne. Sa kanyang pagbabalik ay kita ang kakaibang glow ni Anne. Napansin ni Vice na tila na-starstruck sina Andrea at Francine sa kanya. Nakatulala ang dalawang batang artista kay Anne habang nagkukwento siya ng tungkol sa naging biyahe nila ng asawang si Erwan Heussaff.
Na-flatter naman si Anne sa paghanga ng dalawa kaya napaakbay siya sa dalawang talented actresses. Tila nagtampo naman ang Unkabogable Star dahil ayon sa kanya, “Bakit ako nung dumating hindi ganyan ang tingin ninyo sa akin!?”
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv