Si Ate Girl Jackque Gonzaga ang nagdala sa stage ng usapin o tanong na pagdedebatehan ng mga contestants ng Miss Q and A. At inabangan ng lahat ang pagtawag ni Vice Ganda ng “Jackque,” na susundan ng paglingon ng dalaga.
Pagkalapit ay sinabi agad ni Vice na napanood niya ang guesting nito sa Tonight with Boy Abunda noong nakaraang gabi. Naalala ni Vice ang sinabi ni Jackque nang mag-guest ito sa nasabing programa. Ayon kay Vice, sinabi raw ni Jackque na may nararamdaman siya sa tuwing nagbibiruan sila ni Vice sa It’s Showtime. Tinanong niya si Jackque kung ano ang nararamdaman niyang ito.
Sagot ni Jackque, “Yung parang butterflies in your stomach…” Ngunit biniro ni Vice na baka hindi ito butterflies, kundi worms or amoeba in your stomach. Ganun pa man, kinilig daw si Vice sa sinabi ni Jackque kung kaya nagpasalamat siya rito.
Nagandahan naman si Jhong Hilario sa ngiti ni Jackque, pero sinabi ni Vice na wala itong karapatang tingnan ang ngiti ng dalaga. Pero depensa ni Jhong, “Bakit? Samantalang dati, sa akin ka tumitingin ah!”
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv