Isang pasabog na throwback sayawan ang hatid ng mga Celebrity Kembotitas na sina Jenine Desiderio, Yayo Aguila at Alma Moreno sa It’s Showtime nitong October 3 (Wednesday).
Sumabak si Jenine Desiderio, ina ng Kapamilya actress na si Janella Salvador, sa isang “Lady Marmalade” dance number. Nakasama niya naman si Hashtag CK na humataw ng Dura Dance.
Sinundan naman ito ni Yayo na ipinamalas ang dance moves ng 80s hit na “Just Got Lucky.” Todo bigay din si Yayo sa pagsayaw ng “Bboom Bboom” ng Momoland kasama si Hashtag Ryle.
Pinatunayan naman ni Alma Moreno na tinaguriang “Tangga Queen” noong late 80s na wala pa rin siyang kupas sa pagsayaw sa kanyang all-out “Earthquake” performance. Hindi nagpahuli si Alma sa pagsayaw ng “Havana” ka-partner ang anak na si Hashtag Vitto.
Matapos ang solo performances ay nagsama-sama ang mga Kembotitas para sayawin ang “In My Feelings” ni Drake kasama ang Hashtags at It’s Showtime dancers.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv