Ipinakita sa Magpasikat 2023 performance nina Amy Perez, Karylle, Lassy, at MC ang kahalagahan ng pamilya pati na ang paghihirap at sakripisyo ng bawat isa para tugunan ang pangagailangan ng kanilang minamahal. Gamit ang animation ay ipinakita nila ang imagination ng isang bata sa mga trabaho ng kanyang ate at kuya.
Muling nagsama-sama ang mga pinakamamahal na Sanggre na sina Karylle, Iza Calzado, Sunshine Dizon at Diana Zubiri sa Magpasikat 2023 performance ng Team KALM, sa It's Showtime.
Nakasama rin ng grupo sina David Licauco, BINI, BGYO, Fana, Fabio, Roselle Nava, at dalawang anak nito. Parte rin ang mga kiddie stars na sina Kulot at Jaze.