• MONDAY - SATURDAY at 11:30 AM
  • MONDAY - SATURDAY at 11:30 AM
Showtime Online U new hosts

Umabot na ng lampas 23 milyon followers at subscribers ang tumututok sa bawat ganap ng hit popular noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime" sa social media habang ipinagdiriwang ng online show nito na "Showtime Online U" ang kanilang ikapitong anibersaryo.  

Araw-araw ay kapit na kapit ang madlang people sa mga banat at lokohan ng hosts ng "It's Showtime" kasama ang contestants ng bawat segment ng show tulad ng "Rampanalo," "Isip Bata," "Mini Ms. U, " at "Tawag ng Tanghalan" kaya naman hindi nawawala sa trendlist ang hashtags at viral clips nito. 

Samantala, hindi rin natatapos ang pagbibigay ng kasiyahan at ngiti sa bawat madlang people ng longest running online noontime show ng bansa na "Showtime Online U" sa pagpapakilala nila sa online sensation na si AC Soriano at Kalokalike Face 2 Level Up grand champion na si Nicki Morena bilang bago nitong hosts na siyang kumumpleto sa kanilang ikapitong anibersaryo noong Sabado (Agosto 19). 

Showtime online U host Nicki Morena

Showtime online U host AC Soriano

"14 years na akong solid Showtimer. Maraming salamat sa pagwe-welcome niyo sa akin dito. Wala ng bawian," sabi ni AC . 

Para naman kay Nicki, "Sobrang laki ng utang na loob ko sa Showtime kasi nakagraduate ako dahil sa kanila. Sobrang blessing itong 'Showtime Online U' para sa akin."

Sasamahan nina AC at Nicki ang mga host na sina Ana Ramsey, Wize Estabillo, Sam Coloso,  JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Dan Delgado, Lorraine Galvez, Anne Tenorio, at Anthony Castillo na nagbalik-tanaw sa kani-kanilang journey sa "It's Showtime" at "Showtime Online U." Malaki ang kanilang pasasalamat sa oportunidad na ibinigay ng show para makapagpasaya ng madlang people. 

Showtime online U host Ana Ramsey

Showtime online U host Wize Estabillo

Showtime online U host Sam Coloso

Showtime online U host JM Dela Cerna

Showtime online U host Marielle Montellano

Showtime online U host Dan Delgado

Showtime online U host Lorraine Galvez

Showtime online U host Anne Tenorio

Showtime online U host Anthony Castillo

Sa mga nagdaang taon, siksik sa kwela at kasiyahan ang hatid ng "Showtime Online U" sa manonood tulad ng napapanood nila sa "It's Showtime."  Bukod sa saya na dala ng online show, rito mas nakilala ng manonood ang kwento ng bawat contestant sa mga paboritong segment ng "It's Showtime" pati na rin ang kani-kanilang angking talento. 

Huwag palampasin ang "Showtime Online U" tuwing 11:45 AM, Lunes hanggang Biyernes at 11:15 AM tuwing Sabado sa Kapamilya Online Live at YouTube channel ng "It's Showtime."