• MONDAY - SATURDAY at 12:45PM
  • MONDAY - SATURDAY at 12:45PM
Unang pag-ere ng It's Showtime sa TV5

Trending worldwide sa Twitter ang unang pag-ere ng "It's Showtime" sa TV5 na nagsimula sa pasabog na opening number handog ng hosts ng noontime show kasama ang ilang madlang people LIVE nitong Sabado (Hulyo 16).

It's Showtime Family

Photo credit Jhong Hilario IG

Ani ni Vice Ganda, dahil nga sa patuloy nilang pagdarasal natupad nga ang panalangin na lumawak ang nanonood sa kanila.

"Dahil palagi natin mina-manifest ang better days. Another big door has opened for all of us. What's up madlang pipol, what's up mga Kapatid!" dagdag ng Unkabogable Star.

Pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang TV5 sa pagbibigay nito ng oportunidad sa kanila na mas marami pang Pilipino ang kanilang mapasaya araw-araw.

"Maraming salamat TV5 dahil hindi kayo nag-atubiling pagbuksan kami ng pintuan para mas maging pangmalakasan ang pagpapalaganap namin ng good vibes sa ating mga madlang pipol," saad ni Vhong.

Excited naman si Anne Curtis sa mga pasabog nilang hinanda sa mga na-miss niyang viewers. "Sa mga na-miss kami, isang virtual hug at isang nice to see you again. Alam mo excited na talaga ako sa mas funmalawakan, harutan , tawanan, at bonding kasama kayo."

Katulad nina Vice, Vhong, at Anne, lubos din ang kasiyahan na naramdaman nina Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Karylle, Kim Chiu, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, at Ion Perez sa pagpapalabas ng kanilang programa sa TV5.

It's Showtime Family

Photo credit Chinita Princess IG

Bukod naman sa pasabog na number, kinapitan din ng viewers ang semifinals ng "Showtime Sexy Babe." 14 na sexy babe nga ang naglaban-laban para makakuha ng pwesto sa unang grandfinals ng Showtime pageant. Nagtagisan ang mga ito sa "Ooh La Lakad," at "Hot Tanungan" kung saan ipinakita nila ang galing sa pagrampa at pagsagot para ma-impress ang mga huradong sina Kylie Versoza, Ruffa Gutierrez, at Jameson Blake.

It's Showtime Family

Photo credit Chinita Princess IG

Sa huli, nanaig sina Jubilyn Sabino, Sam Coloso, Kim Velasco, Maxine Abliter, at Zoe Cameron na makuha ang kani-kanilang spot sa nalalapit na finals ng "Showtime Sexy Babe." Simula Lunes, abangan naman ang Wildcard week ng "It's Showtime Sexy Babe."

Panoorin ang “It's Showtime” mula Lunes hanggang Sabado, 12:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din kalimutang subaybayan ang kwelang episodes sa Showtime Online Universe na napapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN, YouTube channel, at Facebook page ng "It's Showtime."