• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Anne Curtis, ipinagdiwang ang 30th birthday sa “Showtime”
Ipinagdiwang ng host na si Anne Curtis ang kaniyang 30th birthday sa It’s Showtime ngayong Araw ng mga Puso.

Bagama’t kinakabahan at paos, nag-piano at kumanta pa rin ng Chandelier ang Showtime host kahit na nagkamali ito sa first attempt. Maya maya pa ay nagpakitang gilas ito sa mga madlang pipol sa pamamagitan ng paglalambitin sa isang chandelier.

Pinuri naman si Anne ng co-host na si Vhong Navarro matapos ang production number nito. “Grabe naman ang pasabog mo sa amin, Anne. Na kahit medyo malat malat ka, kinakabahn ka, wala kang boses pero talaga namang pinagbigyan mo pa rin kami, of course, ang ating madlang people para sa birthday mo,” ani nito.

Matapos panoorin ang bidyo na may mga mensahe ng mga malalapit kay Anne kabilang na ang boyfriend nito na si Erwan Heussaff, dumating sa programa ang nakababatang kapatid nito na si Jasmine Curtis-Smith. “Surprise, ate! Happy Birthday!” maligayang pagbati ni Jasmine na inaming gusto niya talagang sorpresahin ang ate.

Isa pang sorpresa ang bumungad kay Anne nang tumawag mula sa Melbourne, Australia ang kanyang ina na si Carmen.

Bilang regalo, binigyang ng “Showtime” family ng tea set si Anne.

Pinasalamatan naman ni Vhong ang birthday girl for the friendship, “Gusto kong magpasalamat sa’yo kasi nung pinaka-down ng buhay ko, isa ka sa laging nandoon, nagpapalakas ng loob ko. Hindi ka bumitaw at pinagtatanggol mo ko sa mga tao may mga paninira sa’kin. Nandoon ka at saksi ako doon. Kaya naman ikaw ay blessed kasi totoo kang tao. Totoo kang kaibigan kaya maraming nagmamahal sa’yo.”

Nagpasalamat si Anne sa lahat ng tumulong at nagmamahal sa kanya.

Keep on watching, It’s Showtime, weekdays at 12:30 PM and on Saturdays at 12 NN.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv